Panukalang batas para alisin ang buwis sa overtime pay at night differential, isinusulong
Sa panayam ni GMA News reporter Vonne Aquino sa mga call center agent na sina Merk Villaverde at Ronald Antonio, sinabi ng mga ito GMA news “Saksi,” na malaking sakripisyo ang kanilang ginagawa para lang makapasok sa trabaho.
Panggabi o graveyard shift ang kanilang pasok sa trabaho kaya bukod sa pagpupuyat, may kaakibat din silang panganib kapag bumibiyahe.
Kaya good news daw para sa kanila ang panukalang batas na layong tanggalin na ang buwis sa overtime at night differential pay ng mga empleyado dagdag na kita para sa kanila.
Ang mga call center agents ay isa lamang sa sektor na makikinabang kapag naisabatas ang House Bill No. 2836 at 4682 na isinusulong ni House Deputy Majority leader Mar-len Abigail Binay.
Ang overtime pay ay ang dagdag na natatanggap ng empleyado kapag lumagpas na sa walong oras ang kanyang pagtatrabaho.
Ang night differential pay naman ay ang dagdag na 10 percent compensation para sa working hours na pumapatak sa pagitan ng 10:00 p.m. hanggang 6:00 a.m.
Ayon sa ulat, mahaba-haba pang debate ang pagdaraanan ng panukala sa Kongreso pero kapag naging batas, mahigit isang milyong na manggagawa umano sa business process outsourcing o BPO sector ang makikibabang.
source: GMA News
author: FR Jimenez
Recent Comments